May bagong kotse si Pinoy Big Brother Otso Big Winner Yamyam Gucong. Ibinahagi ni Yamyam sa Instagram ang larawan ng kanyang bagong blessing at may caption pa ito na “Blessing sa Christmas.”
Nakilala sa loob ng bahay ni Kuya ang tandem nina Yamyam at kapwa housemate na si Fumiya Sankai. Sa ngayon, napapanood na ang dalawa sa Home Sweetie Home: Extra Sweet tuwing Sabado ng gabi.