Nagbabakasyon sa Hawaii ang aktres na si Yam Concepcion kasama ang kanyang boyfriend. Sa Instagram, binahagi ng aktres ang larawan at video kung saan enjoy sila sa beach. May caption pa ito na “My not so happy sea-sick face right before I passed out on the boat đ
Grateful for Miguel’s wonderful family for the experience.
Inaabangan na rin ang bagong teleserye ni Yam sa Kapamilya Network. Ibinahagi ni Yam sa Instagram ang litrato ng all-star cast ng Love Thy Woman. Makakasama niya rito sina Kim Chiu, Xian Lim, Christopher de Leon, Zsazsa Padilla, Eula Valdez, Jennifer Sevilla, at Sunshine Cruz. Kwento ito ng isang modernong Filipino-Chinese family.
Huling napanood ng mga Kapamilya viewers si Yam sa teleseryeng Halik kung saan naging iconic ang karakter niyang si Jade. Nakasama ng aktres sa Halik sina Jericho Rosales, Sam Milby, Yen Santos at si Jane de Leon.