Isang tribute video ang iniaalay ng ABS-CBN para sa mga Pilipinong patuloy na lumalaban, naglilingkod sa bayan, at kumakalinga sa kanilang kapwa sa kabila ng matitinding pagsubok na nararanasan ng bansa ngayon.
Napanood sa unang pagkakataon ang video na pinamagatang “Tinig ng Mga Nawalan” pagkatapos ng “TV Patrol,” tampok ang maraming Kapamilya sa loob at labas ng ABS-CBN sa pangunguna ng Kapamilya stars na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Kabilang sa proyektong ito, kasama ang direktor ng video, ang ilan sa mga Kapamilyang mawawalan ng trabaho dahil sa hindi pagbigay ng Kongreso ng bagong prangkisa sa Kapamilya network.
Dala nila ang mensahe ng pag-asa at pakikibaka sa kabila ng mga trahedya tulad ng mga buhay at hanapbuhay na nabuwis at nawala ngayong panahon ng pandemya.
Mapapanood rin sa video ang mga artistang sina Coco Martin, Vice Ganda, Angel Locsin, Enrique Gil, Liza Soberano, Bea Alonzo, Karla Estrada, Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, Jericho Rosales, Beauty Gonzales, Bianca Gonzales, Enchong Dee, Robi Domingo, Jake Cuenca, Kylie Versoza, Edward Barbers, at Alex Gonzaga, at mga mamamahayag na sina Bernadette Sembrano, Zen Hernandez, Alvin Elchico, Jeff Canoy, Chiara Zambrano, at Jacque Manabat na ginagamit ang kanilang mga boses para ipaglaban ang kanilang kapwa.
Bahagi ang tribute video na ito ng bagong kampanya ng ABS-CBN na “Lingkod ng Isa’t Isa,” na ipinagdiriwang ang tapang, tiyaga, at tatag ng bawat Pilipino sa pagharap sa krisis at pagtulong sa iba. Nais ipakita ng network kung paano sa panahon ng kadiliman ay nagiging bayani ng mga mamamayan ang isa’t isa.
Ang tribute video ay likha ng ABS-CBN Creative Communications Management (CCM) sa pamumuno ng creative heads na sina Robert Labayen and Johnny Delos Santos, kasama ang direktor na si Paolo Ramos, music & sound head Lloyd Oliver Corpuz, at editor na si Jaimee Agonia. Si Thyro Alfaro ang sumulat ng musika ng “Tinig ng Mga Nawalan” habang akda naman nina Labayen at Des Parawan ang mga salita.
Kasama rin nila sa produksyon ang editors na sina Jaimee Agonia at Mark Gonzales, motion graphics artists Alfie Landayan, Karlo Victoriano, at Quennie Labrador, mga shooter na sina Lorenz Morales, Peewee Gonzales, Cristy Ann Narvaez Linga, Laxandra Chico, Lawrence Arvin Sibug, Glenn James Albaytar, Jonathan Perez, at Kris Aquino, at mga producer na sina Sheryl Ramos, Lawrence Arvin Sibug, Love Rose De Leon, Raywin Tome, Lloyd Corpuz, Christian Abuel, Harvey Talento, Edsel Misenas, Adrian Lim, Diana Directo, Aeina Tongohan, Des Parawan, Ed Ramirez, Karen Adiova, Kathrina Sanchez, Christine Estabillo, Miam Ramos, Dang Baldonado , Nathan Perez, Chiz Perez, Cidge Laxamana, Don Yu, Elisha Blando, Pam Mercado, Eric Po, Gem San Pedro, , Ian Faustino, Jesse Giane, Kai Batac, Laxandra Chico, Niquee Garcia, Pau Lopez, Shally Tablada, Steph Angeles, Wow Vergara, Tess Mendoza, Aye Dungo, Con Ignacio, at Jaime Porca.
Isa ang CCM sa mga lubos na naapektuhan ng hindi pagbigay ng prangkisa sa ABS-CBN na sanhi ng malawakang pagbabawas ng empleyado sa network. Ang “Tinig ng Mga Nawalan” ay iniaalay rin para sa lahat ng mga lumisang Kapamilya na naging parte ng serbisyo publiko ng ABS-CBN sa nakalipas na 67 taon.