Nitong November 19, napanood muli sa TV Patrol ang The Killer Bride star na si Janella Salvador bilang Star Patroller.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na humalili si Janella kay Gretchen Fullido sa paghahatid ng showbiz balita sa Star Patrol. Unng sumabak si Janella bilang Guest Star Patroller noong February 2018.
Behind-The-Scenes: Ang unang pagsabak ni Janella Salvador bilang Star Patroller
Inaabangan na rin ang horror film ng Regal Entertainment na “The Heiress” kung saan makakasama ni Janella si Diamond Star Maricel Soriano. Ang “The Heiress” ay hango sa kwento ng isang matandang mambabarang na gagampanan ni Maricel, na naghahanda nang ipasa ang kanyang kapangyarihan sa pamangkin, na role naman ni Janella.
Simula November 27, mapapanood na ang “The Heiress” sa mga sinehan.