Simula nang mag-umpisa ang ngayo’y cutest game show sa bansa na Bet On Your Baby, naging maugong na ang kahilingan ng maraming netizens na agad na mag-guest sa programa ang pamilya ng PBA player na si Doug Kramer kasama ang aktres na misis na si Chesca Garcia-Kramer at ang kanilang baby.
Tinugunan naman ito ng programa at matapos aregluhin ang schedule ng mag-asawa, naisakatuparan ang hiling ng marami na maglaro ang kung tawagin nila ay Team Kramer sa Bet On Your Baby na mapapanood ngayong Sabado (Disyembre 21).
Hindi lang Team Kramer ang bibida dahil matutunghayan din sa nasabing episode ang baby ng aktres na single mom na si Bettina Carlos at maging ang baby ng basketball teammate ni Doug na si Ronald Tubid
Visit the show page of Bet On Your Baby