MAS MAGING LIGTAS AT MAS MAGING PANATAG NGAYONG BAGONG TAON
Para sa mga Kapamilyang commuter, may magbabantay sa iyo sa bawat biyahe mo!
Ang PasaHERO mobile application ang magsisilbing ‘hero’ ng mga pasahero. Gamit ito, mata-track mo ang buong byahe mo at maipo-post sa iyong social media accounts; maidodokumento ang detalye ng taxi na iyong sinasakyan; at higit sa lahat, makakatawag ka ng saklolo sa iyong malalapit na kapamilya at kaibigan sa oras ng pangangailangan sa isang pindot lang.
Paano ako matutulungan ng PasaHERO Passenger Safety App?
Sa oras ng panganib, pindutin lamang ang PANIC BUTTON.
Ano ang mangyayari kapag pinindot ang PANIC BUTTON?
Kapag pinindot ang PANIC BUTTON, automatic na magse-send ng text alerts sa limang piling EMERGENCY CONTACTS na iyong ipe-pre-register para ipagbigay alam sa kanila na ikaw ay nasa panganib at kung saan ang iyong eksaktong lokasyon sa mga oras na iyon. Automatic din na magsasara ang backlight ng iyong smartphone at magsisimulang mag-record ng audio at video ang iyong device.
Paano ko mada-download ang PasaHERO Passenger Safety App?
Sa ngayon, ito ay available sa App Store para sa iOS devices.
Malapit na rin itong ma-download sa Google Play store para sa Android devices sa susunod na buwan.