Kinasuhan ng libel ng aktres na si Aiko Melendez si Vice Governor Angelica Magsaysay-Cheng.
Tinawag din umano ng Vice Governor si Aiko na Jade sa isang pulong at naulit pa sa isang Facebook post.
Matatandaang ang karakter ni Jade ay isang kabit sa teleseryeng Halik.
Ayon kay Aiko, hindi niya palalagpasin ang mga pahayag ni Vice Governor dahil naapektuhan ang kanyang pamilya at ang kanyang imahe bilang ina at artista.
Magkalaban sa pagka-bise gobernardor si Cheng at ang boyfriend ni Aiko na si Jay Kong Hun.
Sinubukan ng ABS-CBN na kunin ang pahayag ni Cheng ngunit hindi siya sumasagot sa mga tawag.
“Sinangkot niya ako do’n sa isyu ng drugs and then she’s been posting sa Facebook niya and then merong van na puti all over Zambales na picture ko may nakalagay do’n, sangkot sa droga. So I think it’s so unfair already,” pahayag ni Aiko.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv