Nagpalibre ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa bida sa FPJ’s Ang Probinsyano na si Coco Martin matapos nilang magkita sa isang restaurant.
Sa mga kumalat na videos sa social media, tila hindi inaasahan ng dalawa na magkikita sila. Naglambing pa si Vice sa kanyang bestfriend na si Coco na bayaran ang kanilang inorder na siya namang pinaunlakan ng aktor. Sa kanyang Twitter post, pinasalamatan ni Vice ang kaibigan dahil sa libreng dinner. Tinawag pa ni Vice na “milyonaryo” si Coco.
Maghaharap naman sa Metro Manila Film Festival 2019 ang mga pelikula nina Vice at Coco. Bibida si Vice sa “The Mall, The Merrier” kasama ang It’s Showtime co-host na si Anne Curtis, habang si Coco naman ay mapapanood sa pelikulang “3pol Trobol: Huli ka Balbon.”