Mainit na sinalubong ng ABS-CBN executives kabilang si ABS-CBN Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes ang American actor na si Christian Kane at Filipino-American director, producer at screenwriter na si Dean Devlin.
Si Devlin ang nasa likod ng hit movies na "Geostorm," "Independence Day," "Godzilla" at "The Patriot."
Nag-contract signing nitong Biyernes, September 20, sina Dean at Christian kasama ang ABS-CBN executives sa pangunguna nina ABS-CBN President Carlo Katigbak at Chairman Mark Lopez.
Ito ang unang beses na magiging line producer ang ABS-CBN para sa isang 10-part US TV series na kukunan sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.
Lumipad sina Dean at Christian sa Pilipinas dahil nasa proseso na sila ngayon ng casting ng mga Filipino actors.
Ipinagmamalaki naman ni Dean na masaya siya sa pagkakataong balikan ang kanyang Filipino roots.
Ayon sa head ng International Production and Co-Production Ruel Bayani, malaking karangalan ang international project na ito.