Kinilala ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo bilang isa sa mga awardees sa Asian Stars: Up Next ng International Film Festival Macau. Si Bea ang nag-iisang nominado mula sa Pilipinas kaya naman excited na si Bea na i-represent ang bansa sa Macau ngayong buwan.
Sa natanggap na parangal, magkahalong emosyon ang naramdaman ni Bea. Pag-amin ng aktres, “Of course I feel so grateful. I mean, to be even recognized by prestigious award [giving body]. Malaking bagay siya, I mean, when you’re doing your films hindi mo naiisip yung ganyang klaseng validation.” Layon ng naturang parangal na kilalanin ang mga mahuhusay na actors at actresses mula sa iba’t ibang bansa sa Asya. Pinasalamatan ni Bea ang lahat ng sumusuporta sa kanya sa pamamagitan ng isang post sa social media. Bukod dito, featured din si Bea sa international showbiz website na ‘Variety.’
Samantala, humataw naman sa takilya ang pelikulang “Unbreakable” ng Star Cinema. Umabot na sa mahigit PHP 29.3 million ang kinita ng nasabing proyekto na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, at Richard Gutierrez. Sentro ng pelikulang ito ang kwento ng dalawang matalik na magkaibigan na sina Deena Yambao (Angelica Panganiban) at Mariel Salvador (Bea Alonzo), na sinubok ang samahan.