Ipinost ng beteranong broadcast journalist at Umagang Kay Ganda host na si Jorge Carino ang pagsalubong ng kanyang pamilya sa bagong taon sa loob ng isang restaurant.
Sa Instagram ng kanyang misis at character actress na si Daisy naka-post ang litrato na may caption na “Happy New Year from Team Cariño aka Sitcom Family😍😘”
Pabiro namang sinabi ni Jorge na bisita niya ang lahat ng nasa restaurant at sinabihan niya na huwag nang magbayad, pero “nagkukusa naman kako na magbayad.”