Tema ng Christmas station ID ng ABS-CBN ngayong 2019 ang “Family is Forever.” Bilang paghahanda, sumabak na sa shoot para sa naturang station ID ang Umagang Kay Ganda barkada nitong Linggo, November 10.
Habang naghihintay sa mismong shooting, nagkaroon ng pagkakataon na makasama ng UKG hosts sa holding area sina Enrique Gil at Liza Soberano. Kwento pa ni Jeff Canoy, nagkaroon siya ng fanboy moment at “hindi ako humihinga nung time na ‘yun eh.”
Ilulunsad na ang 2019 Christmas station ID ng Kapamilya network, ngayong November 18 (Lunes) sa TV Patrol.