Nitong February 7 (Biyernes) ay napanood ang huling episode ng top-rating teleserye na Kadenang Ginto. Hanggang sa dulo ay naging mainit ang naging tapatan nina Romina at Daniela. May sumabog na kotse, at pati events place, hindi nakalagpas sa lupit ni Daniela. Pero sa huli, lumambot ang puso at nagkapatawaran ang dalawa.
Masaya si Dimples sa naging tagumpay ng teleserye. Pero pagkatapos nito, family time muna siya. Ayon sa aktres, “Lahat naman po ng ginagawa natin ay para sa pamilya ‘di ba? May mga movies po akong gagawin in between para lang po medyo mas maluwag ‘yung load ko po to give way for vacation with my family.”