Approved ni Liza Soberano ang new look ng real-life boyfriend na si Enrique Gil para sa kanilang upcoming project.
Sa ulat ni Ganiel Krishnan, pinasilip sa isang photoshoot ang polished new look nina Liza at Enrique para sa teleseryeng Make It With You. Kapansin-pansin na si Enrique naman ngayon ang binigyan ng curly hair.
Ayon kay Enrique, “Unang una hindi pa ako sanay sa curly hair. Sabi nila okay naman daw.”
Dagdag pa ng aktor, may ilang eksensa rin sa naturang teleserye na kinailangan siyang bigyan ng ‘taong grasa look’. Gayunman, sinabi ni Liza na ayos naman tingnan ang bagong hairdo ni Enrique.
Excited na ang fans para sa teleserye comeback ng LizQuen na ididirehe ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina. Nagtungo pa ang production team ng naturang teleserye sa Croatia, kung saan kinunan ang ilang eksena. Ayon kay Direk Cathy, pinili nila ang Croatia dahil isa itong bansa na hindi pa masyadong pamilyar ang mga Pilipino. Mapapanood na ito sa 2020.