Pagkatapos ng mahigit isang taon, kumpirmado ang pagbabalik ni John Lloyd Cruz na ipinost sa social media kaninang madaling araw.
Ito ang unang commercial production video ni John Lloyd mula nang mag-indefinite leave sa showbiz noong October 2017.
May mga netizens na hindi makapaniwala na makita ulit ang aktor habang may mga umaasa rin na tuloy tuloy na sana ang kanyang showbiz comeback.
Maging si Bea Alonzo, pinusuan nang muling makita ang dating ka-loveteam. Sinabi ni Piolo Pascual na masaya siya para sa tinuturing niyang kapatid.
Para naman sa nakatrabaho ni John Lloyd na si Miles Ocampo, espekulasyon pa kung magge-guest si John Lloyd sa sitcom nila na Home Sweetie Home.
“Marami pong naghihintay sa pagbabalik ng isang John Lloyd Cruz,” ani Miles.
Hoping din si Miles sa huling salita ni John Lloyd tungkol sa kanyang project na produkto ng pag-aaral niya ng creative writing sa University of The Philippines.
“Tuwang-tuwa siya tapos sabi niya sa akin, pagka may nasulat ka na magugustuhan niya, ia-art niya raw. Sabi ko, naku kuya, panghahawakan ko ‘yang sinabi mo na ‘yan sa akin,” kwento pa niya.
Obra rin ang pagganap ni Miles sa horror-thriller na “Maledicto” kung saan siya sinaniban ng demonyo. Tiyak daw matutuwa si John Lloyd sa inabot ni Miles.
Pero mas higit na natutuwa si Miles na mainit pa rin ang pagtanggap ng publiko si John Lloyd.
Ang buong detalye sa pagpapatrol ni Mario Dumaual.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv