Nag-goodbye muna si Kisses Delavin sa social media para tutukan ang kanyang solo concert. Ang tanong, goodbye na rin ba ang loveteam nila ni Donny Pangilinan? Si Jodi Sta. Maria naman, ipinaliwanag kung bakit most beautiful woman ang turing sa sarili.
Sabay sa pag-alagwa niya bilang inang nawalan ng anak sa inaabangang ABS-CBN teleserye na Sino Ang Maysala: Mea Culpa, nagbigay ng inspirational talk si Jodi Sta. Maria tungkol sa tunay na kagandahan. Hindi raw dapat ikumpara ang sarili kanino man.
Nagpaliwanag din siya kung bakit feeling niya narating na niya ang puntong most beautiful siya sa sarili.
“Inspiring people, and trying to be the best person that I can. Beauty comes from within. It’s having a good disposition in life, it’s having this relationship with God and also the love and support and the empowerment that we get from our friends and family,” ani Jodi.
Makaka-acting showdown ni Jodi si Bela Padilla sa bagong teleserye kung saan tampok din sina Ketchup Eusebio, Tony Labrusca, Ivana Alawi, Sandino Martin at Kit Thompson.
Beautiful din ang awra ni Kisses Delavin sa rehearsals sa kanyang solo concert sa “A Life Full of Kisses”. Nagpa-sample pa siya ng bersyon niya ng “7 Rings” ni Ariana Grande.
Wala sa anyo ni Kisses na nababagabag siya sa trending na isyung hiwalay muna sila ng landas ng ka-loveteam niya na si Donny Pangilinan. Huling napanood ang DonKiss sa teleseryeng Playhouse.
Pinagkatiwala na ng ama’t co-manager ni Donny na si Anthony Pangilinan sa ABS-CBN Star Magic ang direksyon ng career ng anak.
Nag-deactivate naman muna si Kisses ng kanyang Instagram at Twitter accounts para mag-focus sa show.
May ka-loveteam man o wala, alam ni Kisses, sapat na siya sa kanyang sarili.
Ang buong detalye sa pagpapatrol ni Mario Dumaual.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv