Kanya-kanyang paghahanda na ang mga Kapamilya stars na dadalo sa pagbabalik ng pinakamalaking pagtitipon ng mga bituin- ang ABS-CBN Ball.
Hangad ni Maris Racal na magkaroon ng princess moment sa Ball. Kasama ni Maris ang kanyang boyfriend at singer-songwriter na si Rico Blanco. Magkasama ring dadating sa ABS-CBN Ball sina Chie Filomeno at Jake Cuenca.
Hindi naman idinetalye ni Ria Atayde kung sabay sila ng boyfriend na si Zanjoe Marudo na maglalakad sa red carpet pero kwento niya na dadalo ang kapatid niyang si Gela Atayde.
Sa unang pagkakataon, solo na dadalo sa Ball si Andrea Brillantes. Mag-isa ring dadating si Kyle Echarri sa Ball. Naghahanda na rin sina Darren Espanto at Enzo Pineda sa kanilang pagbabalik sa Ball.
Ang "ABS-CBN Ball 2023: Forever Grateful" ay gabi ng pagpapasalamat ng ABS-CBN sa lahat ng mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kompanya. Isa rin itong okasyon upang ibida ang mga adbokasiya ng ABS-CBN Foundation para mas marami ang ma-enganyong tumulong sa Foundation. Huwag palampasin ang red carpet livestream ngayong Sabado (Setyembre 30), 6 pm sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel, Metro.style YouTube channel, Metro Channel, iWantTFC, at TFC. Magiging host ng red carpet special sina Bianca Gonzalez-Intal at Edward Barber habang special correspondent naman si Gretchen Fullido.
Para sa ibang detalye tungkol sa Ball, pumunta sa official microsite (theball.abs-cbn.com).
Catch the latest and top news and analysis today and every day brought to you by ABS-CBN News in the service of the Filipino.
TV Patrol, the flagship newscast of ABS-CBN, airs weeknights on Kapamilya Channel. Watch TV Patrol Weekend every Saturday at 6 pm and Sunday at 5:30 pm on Kapamilya Channel.
TV Patrol is also available around the world via iWantTFC and The Filipino Channel (TFC).