Makabuluhan ang naging kaarawan ng bida ng FPJ Ang Probinsyano na si Coco Martin na piniling ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang ilang batang may sakit.
Sa ulat ni MJ Felipe, nag-ala Santa Claus si Coco nitong November 1 para sa mga batang may karamdaman. Matapos ang Batangas trip kasama ang co-stars sa hit teleserye at riders ng Scoot Manila, diretso si Coco sa Philippine Children’s Medical Center para magdiwang ng kaarawan. Nakiisa kay Coco sina John Pratts, Mark Lapid, Raymart Santiago, Arron Villaflor at iba pa. Napasaya ang mga bata sa mga regalo, pagkain, magic tricks at iba pang treats.