Dinumog ng fans ang back-to-back launch ng albums nina Maymay Entrata at Edward Barber. At sa unang araw pa lang, number 1 at number 2 na ang kanilang albums sa iTunes Philippines.
“Nagpapasalamat po din kami kasi binigyan po kami ng opportunity, second album ko po at first album ni Dodong,” ani Maymay.
“We don’t wanna think as an album launch na sobrang formal, kanta lang kami sa stage, parang fancon din,” pahayag naman ni Edward.
Masaya ang MayWard na nabigyan sila ng oras kasama ang fans dahil kapwa busy sila sa mga projects ngayon, gaya ni Maymay na babalik pa ng Hong Kong para sa shooting ng Kathryn-Alden movie na “Hello Love, Goodbye”.
“Gusto ko lang po munang magpasalamat sa lahat ng mga fandom, ‘yung KathNiel family, AlDub family, Aldenatics tsaka ‘yung MayWard family kasi nagkakaisa po sila at tsaka po sila ‘yung naging marshall namin,” pasasalamat ni Maymay.
Proud moment din para kay Maymay ang hardwork ni Edward sa fantaserye na Hiwaga ng Kambat.
“Nagpapasalamat ako kasi ito ’yung pinakamahirap na role na I’ve experienced,” paliwanag pa ni Edward.
“Nakita ko’ yung paghihirap niya kasi akala ko po wala lang ‘yun pero kasi nakasuot pala siya ng mga suit, prosthetics tapos hindi madali po ‘yun,” kwento pa ni Maymay.
Natawa na lamang si Maymay nang tanungin kung mas lalo pa siyang na-in love kay Edward.
Ang buong detalye sa pagpapatrol ni MJ Felipe.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv