Kakaibang pasabog ang inihanda ni Arnel Pineda sa pagbubukas ng bagong branch sa Pilipinas ng isang restaurant café. Hot topic sa okasyon ang kanyang anak na si Angelo Pineda na nakapasa sa audition ng Idol Philippines.
“He needs to do more than better. They don’t have to sound like somebody else. You have to sound like you and we have to build your brand,” ani Arnel.
May international tour muli si Arnel kasama ang banda niyang Journey ngayong 2019. Tuloy din ang paggawa ng life story niya ng mga Hollywood producer na nasa likod ng “Crazy Rich Asians.” Kung siya raw ang masusunod, dapat daw gumanap sa kanya ang number one aktor ng bansa.
“Si Coco sana, kaso lang sobrang gwapo si Coco eh. Gano’ng height niya, no offense to Coco,” pahayag pa ng singer.
Sorpresa naman ang pagtatambal nina Diamond Star Maricel Soriano at Janella Salvador sa horror thriller na “The Heiress” kasama sina Carmina Villaruel at McCoy De Leon.
Tungkol sa mambabarang ang pelikula ni Frasco Mortiz at Regal Films. Ililipat ni Maria ang kapangyarihan ng sorcery o witchcraft kay Janella.
“Ding isubo mo na ang bato. Hindi gano’n to. Mas powerful siya kaysa sa akin but she’s just alone. May twist pa ‘yon ah. Ano’ng gagawin niya sa akin,” ani Maricel.
“I hope you’re patient with me kasi ma-starstruck ako ng una,” pahayag naman ni Janella.
May mahalagang payo naman si Maria kay Janella sa isyu ng pag-ibig, “Huwag na muna. She’s mending her broken heart.”
Kinakasa ang “The Heiress” para sa Metro Manila Film Festival.
Ang buong detalye sa pagpapatrol ni Mario Dumaual.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv