Opening pa lang, ginulat na ng Australian singer na si Troye Sivan ang mga Pinoy nang kumanta siya mula sa likuran. Jampacked ang Manila stop ng “The Bloom” tour.
Dumagundong ang arena sa hits niyang “Youth”, “Bloom” at “Wild.” Bilang openly gay singer, at home daw siya sa bansa. Kanya-kanya namang eksena ang mga fans sa nasabing concert.
Sunod namang inaabangan ang Manila concert ni Jason Mraz na nagpasikat ng “Lucky” at “I’m Yours”.
Inaasahang makaka-duet ni Jason ang Pinay singer na si Renee Dominique.
“I was singing my single, they looked me up because they were curious and then found me on YouTube and ‘yun, shot me an email,” kwento ni Renee.
Nag-collaborate sila at nag-record ng kanta na maririnig sa concert sa May 8.
Pinoy pride din ang bumabandera sa La Union sa makabuluhang jamming ng OPM bands gaya ng Parokya ni Edgar, Agsunta, at Kapamilya stars, AC Boifacio at Sue Ramirez.
Target nilang panatilihin ang kalinisan sa LU, responsableng beach partying at bawasan ang paggamit ng single-use plastics.
Ang buong detalye sa pagpapatrol ni Ganiel Krishnan
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv