Nagluluksa ngayon ang magkapatid na Yassi at Issa Pressman sa pagpanaw ng amang si Ronnie Pressman.
Kinumpirma ito ni Yassi sa isa niyang post nitong February 6. Binigyang-pugay ng aktres ang kanyang amang Briton na pumanaw sa edad na 90. Ayon naman kay Issa, nanatiling positibo ang pananaw ng kanilang ama sa kabila ng pinagdaanan nito. Bumuhos naman ang pakikiramay ng fans at mga kasama sa showbiz kina Issa at Yassi.