Ilang household names ang pinarangalan sa 77th Golden Globe Awards sa Amerika.
Ang 77th Golden Globe Awards ang unang Hollywood award show ng bagong dekada, kaya naman masaya itong sinalubong ng mga superstars na dumalo sa taunang selebrasyon ng telebisyon at pelikula.
Excited na dumalo si Wesley Snipes at sinabing “because of the collective community of artists and professionals from the different world of film, television, cinema, all of these makes it very uniqe, very special.”
Kabilang sa nagwagi si Renee Zellweger para sa “Judy,” at si Joaquin Phoenix ang Best Actor para sa “Joker.” Itinanghal naman bilang Best Supporting Actor si Brad Pitt para sa “Once Upon a Time in Hollywood,” habang nasa audience ang ex-wife niyang si Jennifer Aniston, na nominado naman para sa “The Morning Show.”
Nakuha ni Tom Hanks ang Cecil B. DeMille Lifetime Achievement Wward ngayong taon. Naging emosyonal siya nang pasalamatan ang kanyang pamilya. Si Ellen Degeneres naman ay pinarangalan ng Carol Burnett Award para sa kanyang kontribusyon sa telebisyon.
Kabilang sa mga nominees ang Pinoy na composer ng “Let it Go” na si Bobby Lopez at asawang si Christen Anderson Lopez. Kabilang naman sa mga naimbitahan sa Golden Globe ang Pinoy direktor na si Raymond Ribay Gutierrez. Isa siya sa napili ng Hollywood Foreign Press at Film Independent para sa isang intensive Filmmaking program sa Hollywood.