Ipinasilip na ang teaser ng Philippine remake ng 2013 South Korean drama film adaptation na “Miracle in Cell Number 7.”
Bida sa pelikula sina Aga Muhlach bilang Lito at Xia Vigor bilang si Yesha. Kwento ito ng isang mentally challenged na ama na nakulong dahil sa kasong murder. Mas naging kaawa-awa ang karakter ni Lito dahil nakasuhan siya nang walang basehan. Habang nasa kulungan, naging kaibigan niya ang mga kapwa preso na tumulong sa kanya para magkasama ulit sila ng kanyang anak.
Ang “Miracle in Cell Number 7” ay ang official entry ng Viva Films sa Metro Manila Film Festival 2019.