Opisyal nang sinimulan ang Magpasikat week nitong October 21 (Lunes) sa It’s Showtime.
Unang sumabak ang team nina Anne Curtis, Tyang Amy Perez kasama mga Bidaman boys. Makapigil-hininga ang ginawa ng grupo na nagpakita ng isang buwis-buhay na production number. Paksa ng naunang performance ang saya at pagsubok na pinagdaanan ng hit noontime show sa loob ng sampung taon.
WATCH: Team Anne-Tyang Amy astonishes with touching acrobatic tribute to It’s Showtime in Magpasikat 2019
Isa sa mga pasabog ay ang headstand ni Tyang Amy na nakapagpa-wow sa lahat. Kwento ni Amy, proud siya sa kanilang team dahil sa kanilang pinakitang determinasyon.
Hindi rin naman nagpahuli si Anne na gumawa ng acrobatics act.
PHOTOS: Team Anne-Tyang Amy performs shocking stunts on Magpasikat 2019
Mapapanood ang iba pang Magpasikat performance hanggang Sabado, October 26