Trip of a lifetime ang peg ng founder ng G-Force at dance coach na si Teacher Georcelle Dapat-Sy sa Tokyo, Japan.
Sa kanyang Instagram post, makikitang nag-pose si Teacher Georcelle kasama ang music superstar at global fashion mogul na si Rihanna. Natuwa naman sa naturang litrato ang ilang artista at napa-comment pa sa nasabing larawan ni Teacher Georcelle sina Yeng Constantino, Angel Locsin, at Angeline Quinto.
Comment naman ng aktres na si Maymay Entrata, “hu hu hu, China oil!” Bukod sa encounter sa international star, nakita rin ni Teacher G ang creations ng mga artistic director.