Pumanaw na sa edad na 90 ang ama ng magkapatid na Yassi at Issa Pressman. Kinumpirma ni Issa sa kanyang Instagram account ang pagpanaw ng kanilang ama na si Ronnie. Ibinahagi rin niya ang mga videos ng ama noong nabubuhay pa ito. Ayon kay Issa, masayahin at charming ang kanilang ama. Dati nang sinabi ng magkapatid na inspirasyon at pinaghuhugutan nila ng lakas ang kanilang tatay.