Mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mga nakisayaw sa pinaka-enggrandeng production number ng kantang “Tala” na ginanap noong January 5 sa ASAP Natin ‘To.
WATCH: Tala Nationinvades ASAP Nation ‘To
Sinabayan ng buong Pilipinas si Popstar Royalty Sarah Geronimo ng iba pang nag-viral sa pagsayaw nito. Numero uno sa listahan ng trending topics ang kanta mula nang ianunsyo ang magaganap na “Tala” flash mob sa ASAP Natin ‘To. Taong 2016 pa nang i-release ni Sarah G ang nasabing single pero ngayong 2019 ay mas naging matunog ang kanta sa online world.
Hindi lang sa ABS-CBN compound naganap ang pangmalakasang sayawan dahil nakisabay din ang mga “Tala” fanatics mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Kasama rin sa performance sa ASAP Natin ‘To ang nag-viral na pulis, ang mga volleyball players na pinagbawalan maglaro ni Aling Nelia, si preggy mommy, at maging si dancing daddy.