Buong Pilipinas ang nakisayaw sa pinaka-enggrandeng production number ng kantang “Tala” na ginanap noong January 5 sa ASAP Natin ‘To.
WATCH: Tala Nationinvades ASAP Nation ‘To
Sabay-sabay na umindak sina Popstar Royalty Sarah Geronimo at iba pang nag-viral sa pagsayaw nito. Inabangan at sinabayan ng maraming Kapamilya fans ang flash mob ng “Tala” Nation.
Hindi lang sa ABS-CBN compound naganap ang pangmalakasang sayawan dahil nakisabay din ang mga “Tala” fanatics mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Kasama rin sa performance sa ASAP Natin ‘To ang nag-viral na pulis, ang mga volleyball players na pinagbawalan maglaro ni Aling Nelia, si preggy mommy, at maging si dancing daddy.
Taong 2016 pa nang i-release ni Sarah G ang single na “Tala.” Pero pagkatapos ng mahigit tatlong taon, muli itong sumikat sa online world.
Ang mismong choreographer ng “Tala” na si Teacher Georcelle Dapat-Sy ang nanguna sa rehearsals. Ayon kay Teacher Georcelle, hindi siya makapaniwala na magiging dance craze ang “Tala.”