Nananawagan ang aktres na si Sue Ramirez tungkol sa nawawala niyang Siamese cat.
Kwento ni Sue, isang linggo na nang huli nilang makita ang alaga at kung sino man daw ang makakita dito ay agad silang padalhan ng direct message sa Instagram.
Kasalukuyang napapanood si Sue sa iWant travel show na ‘Unlisted’ kasama si Robi Domingo. Tinutungo nila ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas na hindi kilala sa turismo para mahikayat ang local at international tourists na bisitahin ang mga atraksyon sa bansa, partikular na ang mga lugar na hindi pa masyadong napupuntahan pero may angking ganda.