Nag-trending ang Star Photo Challenge na ginawa ng Umagang Kay Ganda barkada. Ayon kay Amy Perez, ideya daw ito ng isa nilang kasama na si Jeff Canoy.
Hango ito sa isang challenge na trending ngayon sa internet kung saan bubuo ng star ang mga kasali gamit ang kanilang mga braso.
"Kilala rin ang Star Photo Challenge bilang “human parol.” Matapos itong gawin ng UKG barkada, mas maraming Pinoy ang nagkainteres dito at nagpadala pa ng kani-kanilang pictures habang ginagawa ang hamon. Kanya-kanyang gimik ang mga Kapamilya na nagpadala ng kanilang litrato.
Nagsimula ang Star Photo Challenge nang mag-viral ang litrato ng ilang senior citizens mula China na ginagawa ito.