Pasabog na mga outfits ang isinuot ng mga Kapamilya stars sa kauna-unahang Halloween costume party ng Star Magic na ‘Black Magic.’
Sa ulat ni Ganiel Krishnan, hindi lang puro katatakutan ang naging tema ng kasuotan ng Kapamilya stars dahil ang ilan sa kanila ay hango sa pop-culture icons. May ilan na nagsuot ng nakaaaliw na costume, habang ang ilan ay nagpaka-witty sa napiling attire, gaya ni Raphael Robles na nakauniporme ng isang food delivery man. Princess Sarah ang costume ng Pamilya Ko star na si Maris Racal, samantala, ang bagong Darna na si Jane de Leon ay fierce sa kanyang Lara Croft na get-up. Zombie at vampire tandem theme naman ang napili nina Kim Chiu at Xian Lim, o mas kilala bilang KImXi.
IN PHOTOS: Most creative Halloween costumes that wowed us on Star Magic Black Magic
Nakuha ni Gillian Vicencio ang Scariest Costume award nang suotin niya ang damit at make-up ng kanyang karakter sa pelikulang “Eerie” na si Erika. Best in Costume ang KathNiel kung saan nag-ala Poison Ivy si Kathryn Bernardo habang human eye naman si Daniel Padilla. Nasungkit naman si Heaven Peralejo ang Sexiest Costume Award dahil sa kanyang Wonder Woman suit. Nag-ala Dora the Explorer si Zeus Collins na nagbigay-daan sa kanyang pagkapanalo bilang Funniest Costume. Ang Kadenang Ginto star na si Dimples Romana ay nag-ala Maleficent at hinirang na WTF (Wow That’s Fantastic) awardee. Nag-trending naman sa social media ang hinirang na Best Couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil Lizquen dahil sa ginawang paggaya sa mga bida ng pelikulang “White Chicks.” Si Kira Balinger ang nakakuha ng Best Female Transformation Award para sa kanyang Harley Quinn outfit, habang Best Male Transformation awardee naman si Enzo Pineda bilang Beetlejuice.