Marami ang kinilig sa ibinahaging Iitrato ni Sofia Andres sa Instagram.
Ipinost ng Kapamilya actress ang kanyang underwater picture kasama Cebu-based race car driver na si Daniel Miranda. Kinunan ang litrato sa bakasyon ng dalawa sa Coron, Palawan.
Matatandang October 2018 nang unang mag-post si Sofia sa sweet photos nila ni Daniel.
Huling napanood si Sofia bilang si Mayari sa teleseryeng Bagani kasama sina Liza Soberano, Enrique Gil, Matteo Guidicelli at Makisig Morales.