Sa isang Instagram post, inanunsyo ni Megastar Sharon Cuneta ang plano niyang mag-semi retire sa showbiz. Kasabay ito ng pamamaalam niya sa anak na si Frankie Pangilinan na mag-aaral sa New York. Kwento ni Sharon, noong nakaraang taon pa niya pinag-iisipan ang retirement para makapagpahinga at ma-enjoy ang private life.
Huling napanood sa TV si Sharon noong 2016 sa The Voice Kids. Ngayong taon ay bumida siya sa pelikulang “Kwaresma” ni Direk Erik Matti.
Mahigit 40 years na rin na pinasasaya ni Megastar ang mga fans sa kanyang mga pelikula at awit.