Sabay ang pag-arangkada sa mga sinehan ang first horror movie ni Sharon Cuneta at ang first team-up project nina Julia Barretto at Gerald Anderson.
Sa kabila ng masalimuot na resulta sa kampanya ng kanyang kapatid sa Pasay City, nakangiting dumalo sa premiere night ng “Kwaresma” si Sharon Cuneta. Emotional roller coaster ang weekend ni Mega. Sa isang panayam, inalala niya ang namayapang magulang noong Mother’s Day.
“I really miss my dad and my mom now… I’m tired… I really miss my childhood.”
“It was very emotional for me kasi apat na taon nang actually pang-lima na namang wala ngayon eh na mother’s day so siyempre I really feel the loss of my mom and dad,” ani megastar.
Gayunpaman, saya ang naibigay ng pagdalo ng ilang celebrities sa premiere night ng kanyang pelikula, gaya nina Liza Diño at Ice Seguerra, Vicky Belo at Hayden Kho, Lotlot De Leon at close friend na si Zsazsa Padilla.
Full support din ang mga pamilya nina Julia Barretto at Gerald Anderson sa special screening ng kanilang Black Sheep movie na “Between Maybes”.
Nanguna sa mga Barrettos ang ina ni Julia na si Marjorie, celebrity friends nila at mga taga-Saga Film Commission na tumulong sa shooting ng pelikula sa Saga, Japan.
Graded A ng Cinema Evaluation Board ang “Between Maybes” na palabas na simula ngayong araw.
Ang buong detalye sa pagpapatrol ni MJ Felipe.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv