Bumiyahe ang aktres na si Sarah Lahbati papuntang Paris.
Nasa Paris ang aktres para kunin ang kanyang wedding dress para sa inaabangang kasal nila ni Richard Gutierrez next year.
WATCH: Sarah and Richard reveal wedding date
October ngayong taon nang ianunsyo nina Richard at Sarah ang balak nilang magpakasal sa March 2020. Wala pang masyadong detalyeng ibinigay ang dalawa pero inaasahan na magiging star-studded ang pagtitipon. Ginawa nila ang anunsyo sa ASAP Natin ‘To!