Proud na isinuot ni Popstar Royalty Sarah Geronimo ang kanyang engagement ring sa ASAP Natin ‘To nitong November 10 (Sunday).
WATCH: Sarah G reveals the details of her engagement with Matteo
Nang tanungin siya ng mga hosts na sina Piolo Pascual, Billy Crawford, at Luis Manzano tungkol sa nangyaring engagement, hindi nakasagot si Sarah at napatanong na lang kay Billy tungkol sa buhay may asawa. Sinagot naman ito ni Billy at sinabing mas masarap ang buhay may asawa. Pinayuhan din ng International RnB sensation si Sarah na laging unahin ang Diyos sa kanilang relasyon.
November 7 nang ianunsyo nina Sarah at Matteo Guidicelli ang kanilang engagement sa pamamagitan ng isang litrato sa social media. Napuno ng congratulatory messages mula sa mga kaibigan, pamilya at katrabaho ang naturang post. Pero revelation ng nakababatang kapatid ni Matteo, one year nang engaged ang dalawa at pinili lang na itago muna sa publiko.