Engaged na si Popstar Royalty Sarah Geronimo sa aktor na si Matteo Guidicelli.
Makikita sa Instagram post ni Matteo nitong November 7 (Huwebes) ng gabi, ang sweet photo nila ng girlfriend na si Sarah, at may caption pa na “I love you my love, now and forever.”
Makikita sa larawan na may suot na singsing si Sarah. Napuno ng congratulatory messages ang post mula sa iba’t ibang personalidad. Sa ngayon, wala pang detalye kung kailan ang kasalan, pero pagbubuking ng nakababatang kapatid ni Matteo, isang taon nang engaged ang dalawa.
Masaya si Sarah sa patuloy na blessing na natatanggap sa kanyang buhay. Nito lamang Oktubre ay napanood na ng fans ang kanyang latest movie na “Unforgettable,” kung saan nakasama niya ang aso at online sensation na si Milo. Mula naman sa Team Sarah ang itinanghal na grand winner ng The Voice Kids na si Vanjoss Bayaban.