Magkasama sina Ruffa Gutierrez at Claudine Barretto sa espesyal na edisyon ng fashion and lifestyle magazine na Metro.
READ: Metro celebrates 30 years of honoring stylish independent women
Nang kamustahin ng netizens ang relasyon ng dalawa, sinabi ni Ruffa na okay siya sa lahat ng artista at wala siyang kaaway sa ngayon.
Depensa ni Ruffa, sweet si Claudine at mabait ito sa kanya at sa kanyang pamilya.
Matatandaang nadawit sa kontrobersiya si Ruffa nang magkomento siya sa litrato ni Julia Barretto sa Instagram na hindi nagustuhan ng tiyahin ni Julia na si Gretchen.
Bukod kina Ruffa at Claudine, kasama rin sa naturang cover sina Lucy Torres-Gomez, Dawn Zulueta, Charlene Gonzales, Angel Aquino at Judy Ann Santos.