Sweetness overload ang naging birthday celebration ni Loisa Andalio.
Sinorpresa ang aktres ng kanyang kasintahang si Ronnie Alonte. Nilagyan niya ng maraming rose petals ang sahig na may kasama pang red balloons at candles.
Sabi pa ni Ronnie sa ipinost na litrato, hindi raw siya maasikaso sa mga sorpresa pero para kay Loisa, ginawa niya ito para maging masaya siya.
“Di ako ganitong tao! pero Para sa’yo gagawin ko sumaya ka lang!! Happy birthday sa pinaka mamahal kong babae bukod sa nanay ko!” ani Ronnie sa kanyang post.
Nagpasalamat naman si Loisa sa sorpresang inihanda ng nobyo.
“Thank you ng sobra sayo beh para sa lahat, I love you very much! ❤️😭 always and forever,” caption ni Loisa sa post.
Napapanood ang dalawa sa teleseryeng The General’s Daughter.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv