Nagsimula sa sagutan, sampalan at ngayo’y suntukan na! Patindi na nga nang patindi ang harapang Romina at Daniella sa Kadenang Ginto, kaya pati ang mga netizens ay apektado na sa kanilang intense na eksena.
Markado ang isang eksena kahapon (May 8) sa top rating afternoon serye na Kadenang Ginto. Isa na namang makapigil hiningang confrontation scene ang tinutukan sa pagitan ni Romina at Daniella.
Umangat pa sa next level ang mga harapan scenes dahil sa galit ng mga papel nina Beauty Gonzales at Dimples Romana sa bawat isa. Hindi na sampal kundi suntok na sa mukha ang levels ng galit nila sa isa’t isa.
Kaya naman ang netizens sa social media, nagliliyab din ang mga reaksyon at komento.
May nagsabi na ito na ang kanyang current favorite sa telebisyon. Mayroon namang inspired araw-araw sa eksena ng buhay dahil sa top rating serye. At mayroon ding pinupuri ang bawat eksena nito araw-araw.
Umasa na mas titindi pa ang mga pasabog sa afternoon seryeng Kadenang Ginto sa mga darating na araw.
Ang buong detalye sa Umagang Showbiz Balita ni Jeff Fernando.