Sinabak ng Kapamilya host na si Robi Domingo ang kanyang ina sa “What If?” segment sa kanyang vlog. Sa naturang entry, iba’t ibang tanong ang pinasagot niya sa kanyang mommy at isa na rito ay “What if next year mama mag-propose na ko?” Hindi agad nakapagsalita ang ina ni Robi, pero sumagot ito ng “Dadating naman dun eh, siguro... tsaka matanda ka na din naman eh, pogi ka naman... Totoo ba ‘yun? What if hindi din ako makasagot?”
Napapanood ngayon si Robi sa iWant original travel documentary na “Unlisted,” kasama si Sue Ramirez. Layunin ng “Unlisted” na tunguhin ang ilang lugar sa Pilipinas na hindi masyadong kilala sa larangan ng turismo pero may angking ganda. Sa ganitong paraan, nais ng programa na mahikayat ang local at international tourists na bigyan ng pagkakataong mabisita ang tourist destinations sa bansa.