Nakipag-collaborate ang TV host na si Robi Domingo sa Kapamilya star na si Maymay Entrata.
Sa video na naka-post sa Instagram ni Robi, inawit ni Maymay ang station ID ng ABS-CBN habang tumutugtog ng piano si Robi. Mala-opera singer ang dating ng aktres na todo-bigay sa kanyang pagbirit, habang seryosong-seryoso naman sa pagtugtog ang TV host na si Robi. Maya-maya pa, pabirong tumayo at nag-walk out si Robi.
Mapapanood si Robi ngayon sa iWant original travel documentary na “Unlisted.” Kasama niya rito ang aktres na si Sue Ramirez at tutunguhin nila ang ilang lugar sa Pilipinas na hindi pa masyadong kilala sa turismo. Layunin ng programang ito na hikayatin ang mga turista na subukang dayuhin ang mga lugar sa Pilipinas na hindi masyadong nabibisita pero may angking ganda.