Bilang isa sa host ng Pinoy Big Brother Otso na napapanood araw-araw sa ABS-CBN, inamin ni Robi Domingo na mayroon na siyang napipisil na maging big winner ngayong season sa sikat na reality show franchise.
“Everyday akong nasa loob ng bahay ni Kuya tapos nakikita ko kung sino ang may qualities na maging big winner. For sure, ako meron na akong sariling, parang hindi nga bet eh, ina-idolize ko na eh,” kwento ni Robi.
Glowing at ganadong magtrabaho, nagbigay update din ang TV host na maayos ngayon ang iba’t ibang aspeto ng buhay niya, kasama ang love life.
“Masayang-masaya ako ngayon kasi okay lahat, sa pamilya ko, okay sa business aspect, okay sa trabaho tsaka okay sa personal life. Pakiramdam ko, sobrang sweet ko ngayon. I’m seeing someone and I’m really happy with her,” ani pa ni Robi.
Dagdag pa ni Robi, malaking bagay na hindi taga -howbiz ang inspirasyon niya sa ngayon.
“Simple, tsaka wala siya sa industriyang ito so mas marami kaming napag-uusapan sa labas. Mas marami akong natutunan sa kanya tsaka masarap lang pakisamahan.”
Isang bagong show na mapapanood sa iWant at isang travel show ang pinagkakaabalahan ngayon ni Robi na kanyang ipinagpapasalamat.
Ang buong detalye sa Umagang Showbiz Balita ni Jeff Fernando
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv