Magkakaroon ng concert ang banda at OPM icon na Rivermaya ngayong darating na Linggo, November 3.
Kwento ng band member na si Mark Escueta, sa loob ng 25 years ng pagiging isang banda, may mga pagkakataon na muntik na silang tumigil sa paggawa ng musika.
Marami man ang umalis at pumalit na miyembro ay nanatili pa rin ang passion ng Rivermaya na pasayahin ang mga fans gamit ang kanilang musika. Lagi ring pinag-uusapan ng grupo kung paano aayusin ang anumang hamon na darating.
Unang nabuo ang Rivermaya taong 1994. Kabilang sa mga naging vocalists nila ang mga singers na sina Bamboo Manalac at Rico Blanco.