Todo-ensayo ang bandang Rivermaya para sa kanilang concert ngayong November 3 (Linggo). Ang naturang concert ay para sa 25th anniversary ng grupo.
Sa ulat ni Mario Dumaual, pinili ng banda ang Halloween weekend para sa naturang proyekto. Kwento ng gitarista na si Mark Escueta, may mga pagkakataon na muntik na silang tumigil sa paggawa ng musika, gayunman, nanatili silang tapat sa kanilang sining.
Unang nabuo ang banda noong 1994, at naging vocalists pa nila ang mga OPM icons na sina Bamboo Manalac at Rico Blanco. Umalis ang dalawa dahil sa creative differences, pero nananatili silang magkaka-ibigan hanggang sa kasalukuyan.