Big success ang kauna-unahang charity fashion show ng batikang fashion designer na si Renee Salud para sa Bantay Bata 163. Ang ilang kids mismo ang naging model at rumampa sa runway.
Katuwang ang ilan pang Filipino designers, muli nilang ipinamalas hindi lang ang husay ng Pinoy sa fashion kundi pati ang pagmamalasakit at pagmamahal lalo na sa mga bata.
“Napaka-importante ng ganitong mga karanasan sa kanila dahil lumalawak ‘yung kanilang mundo at sabi nga natin, dream big,” ani Jing Castañeda, program director ng Bantay Bata.
“Dito ko talaga nakita na nando’n ang pagmamahal sa mga bata, through fashion,” pahayag naman ni Renee.
Fashion din ang sentro ng benefit gala ng Miss Universe Philippines sa darating na Hunyo. Magsasanib-pwersa sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray sa benefit gala kung saan bida ang walong fashion designers sa pangunguna ni Albert Andrara.
“Ang laki na talaga ng pinagbago ngayon from my year, when I was competing. There was I time where we couldn’t even wear Filipino designers on Binibining Pilipinas and now we’re having a charity gala,” ani Pia.
“So for the Miss Universe brand to become more visible in the Philipppines. As I mentioned earlier, Miss Universe loves the Philippines so much,” ayon kay Richelle Singson-Michael, co-chairperson ng Miss Universe Philippines.
Ang grupong Young Focus at HIV AIDS advocate group na Love Yurself ang beneficiary ng gala na gaganapin sa June 4.
Ang buong detalye sa pagpapatrol ni MJ Felipe.
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv