Magsasama sa concert stage sina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid at Popstar Royalty Sarah Geronimo. Bagaman wala pang detalyeng inilalabas ang tungkol sa proyekto, tiniyak namang mangyayari ang naturang concert sa February 2020.
Pinaghahandaan na rin ni Sarah ang kasal sa fiance na si Matteo Guidicelli. Bago magsama sa concert, matatandaan na nagkaroon ng cameo role si Regine sa pelikula ni Sarah na “Unforgettable.” Samantala, bumida naman ang Asia’s Songbird sa entry sa CinemaOne Originals na “Yours Truly, Shirley.” Hango naman ang istorya ito sa isang biyuda na nagkagusto sa isang mas batang pop star.
Regular namang napapanood ang dalawang Kapamilya singers sa Sunday variety program na ASAP Natin ‘To.