Malaking bahagi ang Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual sa masayang love life ng vlogger actress na si Alex Gonzaga. Sinabi nga ni Alex na susi si Piolo para makilala niya ang boyfriend na si Mikee Morada.
Sinabi pa ng Home Sweetie Home Extra Sweet star sa kanyang vlog entry na plano niyang kunin ang aktor bilang ninong sakaling mauwi sa kasalan ang relasyon nila ni Mikee.
Sa ngayon ay tatlong taon na ang relasyon nina Alex at Mikee.