Pinangunahan ng mga Pinoy achievers ang ‘Pinoy Galing Natin Ito’ national cheer campaign na naglalayong magbigay-inspirasyon sa lahat na tuklasin ang mga natatagong galing ng Pilipino.
Kasama rin sa event na ito sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ang international singing sensation na TNT Boys. Present din ang grupong Philippine All Stars, Dance Sport Philippines, at mga world-class athletes.
Bilang bahagi ng kampanya, tinuruan ng Pinoy achievers ang audience ng steps ng ‘Galing Natin Ito’ cheer. Pwede itong sayawin sa tuwing may laban ang mga Filipino athletes, tulad na lang ng nalalapit na South East Asian Games 2019 na gaganapin sa Pilipinas.